jdocih’s weblog

thoughts, emotions, and personals

Minsan

Ipinaskil ni jdocih sa Mayo 5, 2008

Minsan mahirap patunayan ang katotohanan kaysa kasinungalingan, mahirap talaga, nangayayari yan. Kahit sayo baka nangyari na di mo lang namalayan. Mahirap tangapin na ganito talaga minsan. Minsan nga lang ba?

Minsan gusto ko na sumabog, isambulat ang lahat ng galit na meron ako. Pakawalan sa kalawakan ng himpapawid.

Minsan iniisip ko, hanggang dito na lang, pagod na kasi ako, pero nagtatanong ako, bakit naman? pwede naman pala ako tumigil pasumandali at mag simula muli ng bago simula.

Minsan mas iniisip natin kung ano ang sasabihin at sinasabi ng ibang tao sa atin, kaya naman nawawalan ng kabuluhan ang katoohanan na tayo lamang sa sarili natin ang nakakaalam.

Minsan nakakawalan ng gana, nakakapanghina, nakakalungkot, nakakapanginig ng laman, nakakapag init ng dugo.

Minsan ang kwento ay nagiging katotohanan, kahit alam ko na ang katotohanan ay hindi ang nasa kwento o binago na ng nagkwento na hindi naman tunay na nakakabatid ng katotohanan.

Minsan kailangan nang tapusin ang dapat ay tapos na noon pa lang.

Nakakalungkot, sana minsan lang.